Search This Blog

Monday, July 6, 2009

Before Breeding

Before Breeding:

Usual cleansing regimen to prevent diseases

1. Deworming with Pidro water soluble to be followed after 3 days by
Vermex. Kung ang gamit mo ay Tape Terminator, mas mainam at kahit di na
gumamit ng Pidro. Hindi ko pa nasubok yung gawa ng MAXXI products pero sabi
ni Dr. Biboy Lazaro e mahusay daw. Kahit nagdeworm ka na, minsan ay meron
pa din lumalabas at mahirap talaga alisin sa kalapati yan. Ulitin mo na
lang kung sakali basta walang sinusubuan o mangingitlog na. Wag ka
magdeworm ng naglulugon din. Wag magbigay ng kahit anong gamot o vitamins
habang nagdedeworm.

2. Preventive dose ng antibiotics. May ibang school of thought na
nagsasabing hindi ito kailangan. Pero kung gusto mong makasiguro na walang
itinatagong sakit ang K, pwede mo itong gawin. Maraming antibiotics ang
pwede mong gamitin. Ang pinakasimple ay Vetracin soluble, Gallimycin
soluble, at Baxidil soluble. Puro hinahalo s a tubig na iinumin yan. Tig-3
days sa bawat antibiotic na yan sa suggested na timpla pang preventive
lang. Ang Baxidil ay may konting action din laban sa coccidiosis! Para sa
Ornithosis complex, gumamit ka ng mga nabibiling pangkalapati na gamot.
Usually nasa sachet yan. Kung gagawin mo lahat ito ay aabutin ka ng at
least 12 days.

3. Magbigay ng para sa Canker. Maaari kang gumamit ng Tricho plus. Sundin mo yung instruction sa likod ng sachet. Kung konti lang ang ibon mo ay mas matipid siguro kung bumili ka na lang ng Metronidazole suspension sa botica. Generic lang ang kunin mo at pinakamura. Halos 50 pesos lang yun. Ibigay mo ng 1ml. per bird for 4 days. Take note ha! Suspension at hindi tablet. Di ko nirerekomenda ang tablet dahil masyadong mataas ang concentration kahit hatiin mo pa. Wag na wag kang magbibigay ng gamot sa
canker kapag naglulugon ang ibon mo! Nakakasira ng feather yan. Kapag sumobra ka sa dose ay nagkakaron din ng fer tility problems.

4. Final cleansing with pigeon tea. Maski anong herbal tea ay pwede mong gamitin. Garlic tea, anise tea, green tea, sambong tea, ginseng tea etc. Sa
bandang huli na lang yung ginseng tea para paghahanda sa pairing. 4-5 days
lang siguro ay pwede na dahil baka maglugon ang K kapag matagal ang
cleansing tea mo.

5. Matapos mong gawin ang lahat sa itaas ay pahinga muna ang K sa mga gamot
at plain water lang ang inumin nila. Maliban sa daily vitamins na ibibigay
mo kasama ang calcium supplements tulad ng tablets o Pecutrin at mineral
blocks tulad ng pick pot o Ideal block. Mga 1 week ang duration nito o
hanggang sa gumanda ang droppings nila. Yung namumuo and dumi at namumulbos
ang katawan.

6. Importante na wag kang magbago ng mix ng feeds at baka mawala sa
condition ang K. Sa breeders ay breeder mix lang unless sobrang taba na ng
mga breeder. Dapat mong iwasan na tumaba sila ng husto lalo ang mga hen!
Baka magsapola. Kapag&nb sp;sobra ang taba ay pwede mong bawasan na lang ang
ration nila o kaya maghalo ng pellets o crumble sa mix. Kapag light mix o
depurative na may barley ay baka biglang maglugon. Pero ito lang ang paraan
kung ayaw pumayat yung K kung sapola na ang problema. Naghahalo din ako ng
cod liver oil at vitamin E sa mix before feeding. Binabasa ko ito (wag lang
sobrang basa) ng cod liver oil at vit. E at minsan ay may garlic oil pa.
Maaari ding samahan ng Brewer's yeast powder ang binasang breeder mix.
Pwede ring binder sa patuka ng brewer's yeast ang calamansi extract!

7. Mga 3 araw bago ka mag-pairing, magbigay ka ng Ideal pills. Samahan mo rin ng konting sneaky mix ang ration ng patuka nila. Nakatutulong ito para maging "ardent" sila sa isat-isa.

8. Pairing na! Siguraduhing walang istorbo sa mga pinagpapares mo. Bigyan
sila ng magandang nestbowl at nesting material tulad ng pinong buhangin.
Mga 5 days after pairing, maglagay ng konting twigs malapi t sa pugad.
Nakakastimulate ito para mangitlog kaagad. Ten days ang tamang palugit para mangitlog. Kapag lumagpas ay indicator ito na may problema. During pairing
ay ituloy mo lang ang vitamins at calcium supplement para matiyak na maayos
ang shell ng itlog. V-22 at United Calcium lactate ay ok na! Hindi ko gusto
yung tig-20 pesos.

9. Feeding hatchlings. Sa unang 5 araw ay kailangang haluan ng crumble o
pellets ang breeder mix. Nakatutulong ito sa pagsubo ng maliit na bibig ng
sisiw. Kung puro malaki ang butil ng patuka mo ay mahihirapan ang magulang
at pipiliin lamang yung maliliit na buto. Minsan ay sinasamahan ko pa ng
corn grits sa unang 5 araw. Habang lumalaki ay maaari kang magdagdag ng
peas for protein. may maganda akong breeder mix pero kailangan ay at least
25 kilos yung mix para matimpla. Sabihin mo lang kung interesado ka. BTW,
ang magandang crumble ay yung Purina! Kung buo ang crumble ay mas maganda
ang Purina 1 00 at 200 kesa sa 300 dahil sa taas ng protina. Kaso kadalasan
ay durog ang 100 at 200. Pwede mo din try yung pang breeder na manok na
pellets (mahal nga lang). Medyo nakakapagtae yung pigeon pellets ng
Sarimanok kung sa nagsusubo mo ibibigay. Siguraduhin mong laging may
pagkain ang nagsusubo para maganda ang size ng inak ay at hindi mahulog ang
katawan ng breeder. Dito nakakatulong ang crumble din. Tiyakin na may grits
din palagi! Pag 12 days na ay pwede ka ng maglagay ng isa pang nestbowl
para sa 2nd round nya. Bago iwalay ang inakay ay bigyan mo muna ng Ideal
pills at vitamins/calcium. Sundan mo na rin ng Brewer's yeast tablet.

10. After breeding ay bigyan mo ng sapat na panahon para makarecover ang
mga breeders at pwede mong ulitin ang cleansing regimen bago sila maglugon.
Another chapter na ito bro, pagod na kamay ko at may trabaho pa.

11. BTW, pwede ka pa rin magpaligo ng K during breeding ha. Nakalimutan
kong isama rin ito sa preparation! Kapag nakabreed na ay maglagay ka na
lang ng palangganang may tubig at konting asin o bath salt. Sa preparation
gumamit ka ng Wash Out para maalis ang external parasites. Forced bath bale
yan.

1 comment:

  1. Herpes Finally Gone, thanks to Dr. Utu for his Herbal Treatment.
    I had a sudden onset of cold sores and a new one was appearing each day. I was on primary immunosuppressant I noticed my body just can't fight the virus on its own. After five days of treatment and no success I suspected herpes I went for test and it was confirmed. God was my strength I met a doctor for treatment. He gave me Dr Utu's contact. I contacted him immediately, This medication was far amazing that within 24-48 hrs the blisters were crusting over. The swelling and redness was decreasing as well. I was on four weeks herpes medication which I completed before going for test. I went for herpes test and then again back to my doctor who confirmed me herpes negative it was really like a dream. What a relief! Feel Free to contact Dr Utu Email:- drutuherbalcure@gmail.com OR WhatsApp :- +2347032718477

    ReplyDelete